Dear Blogger,
I just want you
to know that I am now part of the College of Science Official Publication – The
Techbits. Even though, I wasn’t good and my grammar sucks. Lol Anyway, I was
planning to pass this article since sembreak is coming but I was having a hard
time translating it in English. Nevertheless, I want to share this article with
you. Hope you’ll like it.
Ano nga ba ang Final Wave?
Para sa
kinaaadikan kong game ngayon na Plants Vs. Zombies 2, ‘eto ‘yung final wave
kung saan lahat ng zombies on that level ay makakalaban mo. This is your last chance para ibigay at
ilabas lahat ng plants at iba pang sandata mo. Sa tunay na buhay, this is the
days or week battle between passed or failed. Especially, sa mga taong naghahabol,
nanganganib at hindi nagpakatino throughout the whole semester. This is the
battle kung saan ang weapon mo ay sipag at tiyaga. This is the days or week
kung saan mararanasan mo ang mala-walking dead mong get-up or any related zombie
series or film. ‘Eto ‘yung walang tulugan moment. Eye bags mong nagmumura. Ang
kasangga mo dito ay tibay ng resistensya. Kape rin ang kasangga mo sa mga
ganitong pagkakataon. Magiging sobra ka na sa kape. Magpa-palpitate.
Mahihirapan huminga. Swerte mo na talaga kung papasa ka. Malas mo kapag naging
lutang ka o ‘yung tinatawag na namental –block at higit sa lahat kapag hindi
lumabas ‘yung mga ni-review mo.
Pero masasabi mo
ba talagang nagreview ka kung ang exam ay kinabukasan na? Para sa’kin hindi.
Tanggapin natin ang katotohanan. After ng exam makakalimutan mo na lahat.
My point of
writing this article is hindi para pakielaman ang study habits n’yo. Dahil isa
rin ako sa mga taong mahilig magreview the day before the exam o sa english
mahilig mag ‘cramming’. I just want everyone to know that the real battle
begins after this so called ‘final wave’.
Sembreak.
Heto ‘yung break
kumbaga sa kitkat let’s have a break. Let’s take some rest. Pero makakahinga ka
ba nang maluwag kung inaalala mo pa rin ‘yung grades mo last semester? Will I
able to go through the next semester? Yan ang tanong na bumabagabag sa utak ko
habang tina-type ko ‘to at alam ko gumugulo rin sa utak ng iba sa inyo.
Sabi nga ng
professor sa isang subject kapag naka-tres ka, magpasalamat ka. Kapag singko
naman magpasalamat ka pa rin.
Hindi lahat ng
final wave ay final na talaga. Tandaan mo may next semester pa. May isang
chance pang ibinibigay sa’yo. At wag mong sayangin ‘yun. Wag mong hayaan na sa
susunod ganito pa rin ang eksena. Hayaan mo naman na magpahinga ang sarili mo
at next semestral break ay ma-eenjoy mo na dahil alam mo sa sarili mo na
nag-aral ka ng mabuti. Kung bumagsak ka man ngayon, gaya nga ng larong PVSZ2
there is always a retry button in every level kapag hindi ka nagsucceed huwag
maubusan ng pag-asa. Galingan nalang next time.
I wrote this
article while riding the jeepney from Monumento to our house. My thoughts are just so
random. Actually, I am just so excited for the sembreak! Yes! Makakatulog din
ng maayos! Bonding moment naming ng bed ko ‘to! Yey! But at the same time, I
feel so nervous. Good luck to me! Good luck everyone! God bless us!
Love,
Grace
No comments:
Post a Comment